Nakaantabay na ang Department of Tourism (DoT) sa magiging desisyon ni Pangulong Duterte sa rekomendasyon ng kagawaran, kasama ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Department of Interior and Local Government (DILG) na isara nang anim na buwan ang isla ng Boracay.

Sinabi ni Tourism Secretary Wanda Tulfo-Teo na sa oras na aprubahan ni Pangulong Duterte ang pagsasara ng Boracay ay kaagad na aabisuhan ng DoT ang mga tourism attaché sa iba’t ibang bansa para maipaalam ang sitwasyon sa mga turistang planong magtungo sa Boracay.

Ayon kay Teo, inihahanda na ng DoT ang imumungkahing alternatibo na maaaring puntahan ng mga turista sa halip na sa Boracay.

Kasabay nito, pinakiusapan din ni Teo ang mga airline company na huwag nang pagbayarin ng rebooking fee ang mga turistang nakapag-book o nakapagreserba na ng ticket papuntang Boracay, at kung maaari ay i-refund o ibalik ang ticket na binayaran ng mga ito.

National

Bilang ex-DepEd chief: VP Sara, masaya sa naitayong museo sa Camarines Norte

Kinumpirma ni Presidential Spokesman Harry Roque na opisyal nang tinanggap ng Malacañang kahapon ang rekomendasyon ng Inter-Agency Council (IAC) na isara ang Boracay sa loob ng anim na buwan, simula sa Abril 26.

Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na aaprubahan niya anuman ang magiging rekomendasyon ng DENR, para sa rehabilitasyon ng Boracay. (Beth Camia)