Ni Reggee Bonoan

HINDI si Maine Mendoza ang makakasama ni Alden Richards sa bagong teleserye sa GMA-7 kundi si Janine Gutierrez, ayon sa publicities na nanggagaling sa kampo ng GMA-7.

Alden copy

Pero sa launching kay Alden bilang unang endorser ng Cookie’s Peanut Butter, inamin ng aktor na si Maine pa rin ang gusto niyang makasama.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

“Siyempre, doon po tayo sa nakasanayan, pero titingnan pa rin po natin kung ano talaga ang magiging turn out,” say ng binata.

May offer daw kasing teleserye ang GMA-7 kay Alden pero hindi pa sila nakakapag-meeting ng GMA management dahil paalis siya for a series of shows sa Amerika at Canada.

“Bale aalis lang muna po ako for the US po, April 7 po, and April 8 show po in New Jersey and Toronto. And then, pagbalik ko po, mayroon na pong idi-discuss sa akin, hindi ko lang alam kung soap po ito o pelikula.

“So, ‘yun po, hinihintay ko lang po kung ano po talaga ‘yung mga final latag kasi first quarter pa lang naman po ng taon. So, hihintayin ko po from GMA kung ano po ‘yung final word with regards po sa soap opera.”

Inamin ni Alden na nami-miss na niyang umarte sa serye.

Natanong din ang aktor tungkol sa hindi nila pagsasama ni Maine sa Cookie’s Peanut Butter.

“Pagdating naman po sa endorsement, hindi naman po namin hawak ni Maine ‘yung desisyon ng brand. Sila pa rin po ‘yung may final say kung sino pong kukunin sa aming dalawa.

“And si Maine po, ang dami rin niyang endorsement na solo which is very good din po as well. Ako rin naman po, nagkakaroon din ng solo. Pero may mga brands pa po kaming magkasama like Magnolia, Platinum Karaoke, etcetera po.”

Ang paliwanag naman ng mag-asawang Cookie at Joy Yatco ay nagplano silang kunin sina Alden at Maine pero hindi kaya ng budget nila dahil nagsisimula pa lang naman sila. Baka raw sa susunod ay magkasama na ang dalawang prime artists ng GMA-7.

At mas pinili muna nina Cookie at Joy si Alden dahil kababayan nila, pareho silang taga-Laguna at mas malapit nilang puntahan.