Ni Mike U. Crismundo

BUTUAN CITY - Labing-anim na umano’y kaanib ng teroristang New People’s Army (NPA) ang sumuko sa militar sa Mindanao kahapon.

Hindi muna ibinunyag ni 1st Lt. Jhocell Asis, Civil Military Operations officer ng 71st Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army (PA), ang pagkakakilanlan ng mga rebelde para na rin sa kanilang seguridad.

Una nang sumuko sa kanila ang dalawang miyembro ng Milisya ng Bayan ng NPA at sinundan naman ng pagsuko ng 14 na iba pang kaanib ng Section Committee 27 (SECOM 27), Sub-Regional Committee 1 (SRC 2) ng CPP-NPA Southern Mindanao Regional Command (SMRC) mula sa Barangay New Barili sa Maco, Compostela Valley.

Probinsya

Nasa 4,000 mga labi, apektado ng konstruksyon sa isang sementeryo sa Cebu

“Through the intervention of the barangay chairman and with the help of the local government unit of Maco, the mass surrender was made successful,” sabi pa ni Asis.