Ni REGGEE BONOAN

PALAISIPAN sa amin kung ano ang kinahinatnan ng meeting ng Team KCA ni Kris Aquino sa Star Cinema kahapon kasama ang President/CEO ng Cornerstone Management na si Erickson Raymundo.

Sitsit ng source naming paruparo sa ABS-CBN compound, before lunch ginanap ang meeting at sandali lang dahil itinanong lang kung puwedeng gumawa ng pelikula si Kris sa Star Cinema.

Nasulat na naman kamakailan ang laman ng latest na blog entry ni Kris na may offer ang Star Cinema sa kanya through Roxy Liquigan (head ng Star Music) pero dahil nasa Amerika ngayon ang Queen of Online World at Social Media, wala pang malinaw na information tungkol sa offer.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nabanggit ng aming spy na may makakasamang sikat na love team si Kris na hindi pa pinangalanan dahil inaalam pa ang schedules.

“Hangga’t hindi nagso-shoot o gumigiling ang kamera, wala pang puwedeng sabihin,” sey ng aming source.

Sinubukan naming tanungin si Erickson kahapon dahil nga nakita siya ng aming spy na kasama ang KCA staff sa meeting.

“Wala pang napag-usapan kasi wala naman si Kris, nasa US,” matipid na sagot sa amin.

Sinubukan ulit naming magtanong kay Erickson pero hindi na niya kami sinagot.

Hmmm, magiging part na rin kaya ng Kris Cojuangco Aquino Productions si Erickson? Bakit siya ang kasama sa meeting?

Anyway, magkakaroon ng kasagutan ang lahat kapag dumating na si Kris mula Amerika pagkatapos ng Semana Santa.