Ni Mary Ann Santiago

Wala ring biyahe ang Light Rail Transit (LRT)-Line 2 simula sa Huwebes Santo hanggang sa Linggo ng Pagkabuhay.

Sa abiso ng LRT Authority (LRTA), walang biyahe ang LRT-2 mula Marso 29, Huwebes Santo, hanggang Abril 1, Linggo ng Pagkabuhay.

Ayon sa LRTA, sasamantalahin nila ang nabanggit na mga petsa upang isailalim sa taunang maintenance services ang mga riles at mga bagon ng LRT-2.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Magbabalik ang serbisyo ng LRT-2 sa Abril 2, Lunes, dakong 4:30 ng madaling araw.

Una nang ipinaalam ng LRT-1 ang kaparehong apat na araw na tigil-biyahe sa Semana Santa.

Limang araw naman na hindi bibiyahe ang mga tren ng Metro Rail Transit (MRT)-3, simula sa Miyerkules Santo, Marso 28, hanggang Linggo.