Ni Gilbert Espeña

KAILANGANG patunayan ni Pinoy boxer Reymart Gaballo na totoong knockout artist siya para patulugin ang malikot sa ring na Amerikanong si Stephon Young sa kanilang sagupaan sa Sabado ng gabi para sa interim WBA bantamweight title sa Seminole Hard Rock Hotel and Casino sa Hollywood, Florida sa United States.

May kartadang 18 panalo, 16 sa knockouts, inaasahang palalasapin ni Gaballo ng unang pagkatalo si Young na wala ring talo sa rekord na 17 panalo at 3 tabla ngunit mas may kalidad ang mga nakaharap sa ring tulad nina one-time world title challenger Antonio Nieves ng Puerto Rico at ex-WBC United States super bantamweight champion Juan Antonio Lopez ng Mexico.

Sa undercard ng laban, kakasa naman ang walang talong Pinoy boxer na si Mike Plania laban kay dating WBA super bantamweight champion Juan Carlos Payano ng Domican Republic kaya inaasahang magiging pukpukan din ang sagupaan.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

May rekord si Plania na perpektong 14 panalo, 7 sa pamamagitan ng knockouts, kumpara kay Payano na may kartadang 19 panalo, 1 talo na may 9 pagwawagi sa knockouts.