NiMary Ann Santiago

Patay ang isang barker makaraang barilin sa ulo ng riding-in-tandem sa Port Area, sa Maynila, nitong Martes ng gabi.

Dalawang tama ng bala, buhat sa calibre .45 pistol, sa ulo ang agad tumapos sa buhay ni Erick Trobajones, 27, ng Block 15 Lot 7, Baseco, Port Area ng nasabing lungsod.

I n a a l a m n a a n g pagkakakilanlan ng mga suspek na kapwa nakasuot ng full-faced helmet at sakay sa itim na Yamaha Mio motorcycle.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Sa pagsisiyasat ni SP04 Glenzor Vallejo, ng Manila Police District (MPD)- Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), naganap ang pamamaril sa 2nd Street, kanto ng Elliptical Road, Baseco sa Port Area, dakong 10:40 ng gabi.

Inaalalayan umano ng biktima ang mga dumaraang trailer truck sa lugar nang lapitan ng mga suspek at binaril sa ulo.

Mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi batid na direksiyon.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.