Ni YAS D. OCAMPO

DAVAO CITY - Inaresto ng pulisya ang isang ama matapos umano niyang sunugin nang buhay ang kanyang tatlong taong gulang na anak na babae nitong Lunes ng madaling-araw, sa Davao City.

Nakapiit na sa Sasa Police Station si Randy Cueva Cadiente, 44, may asawa, isang construction worker, ng Malagamot, Panacan.

Si Cadiente ang itinuturong pumatay sa kanyang anak matapos umanong buhusan ng gasolina at silaban ng lighter.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Natukoy ng City Prosecutor’s Office ang probable cause upang kasuhan ng parricide si Cadiente.

Sinabi naman ng testigo na si Leonardo Contemplo Abli, 54, na nagising siya sa pagpalahaw ng iyak ng nasusunog na sanggol, na kaagad niyang binuhusan ng tubig.

Kaagad ding humingi ng police assistance si Abli upang mailigtas ang biktima, na bagamat nadala pa sa pagamutan ay binawian din ng buhay makalipas ang ilang oras.

Narekober sa crime scene ang isang plastic container na naglalaman ng gas at isang disposable lighter,