Ni Malu Cadelina Manar

KIDAPAWAN CITY - Isa ang nasawi habang isa pa ang nasugatan nang mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang 10-wheeler truck sa Matalam, North Cotabato nitong Linggo.

Kinilala ni Chief Insp. Sunny Leoncito, hepe ng Matalam Police, ang nasawi na si Ryan Cerbo, truck helper, ng Barangay Linao, Matalam, matapos magtamo ng mga sugat at pinsala sa katawan.

Nakaligtas naman sa insidente at isinugod sa Philippine Medical Center ang truck driver na si Junie Yap, ng nabanggit ding lugar.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Ipinagtanggol naman ni Yap ang kanyang sarili at sinabing nawalan ng preno ang truck nang tangkain niyang lumiko sa kurbadang kalsada sa Barangay Taguranao sa Matalam.

Wala na, aniya, siyang magawa nang dumirestso sa bangin ang kanilang sasakyan.

Posibleng makasuhan si Yap ng reckless imprudence resulting to homicide and frustrated homicide.