LONDON (AFP) – Bumuwelta ang Russia sa Britain sa iringan sa pagkalason ng isang spy, nag-demand ng patunay sa sinasabing pagkakasangkot nito sa nerve agent attack, kasabay ng pagdating ng international weapons experts para kumuha ng mga sample ng toxic substance.

Ang paglason nitong Marso 4 sa double agent na si Sergei Skripal ang lumikha ng krisis sa relasyon ng London at Moscow.

Sa pagbigay ng ng European Union sa Britain ng kanyang ‘’unqualified solidarity’’ nitong Lunes, nag-demand ang Kremlin na magpakita ng mga ebidensiya ang London sa pagkakasangkot ng Russia – o humingi ng paumanhin.

‘’Sooner or later these unsubstantiated allegations will have to be answered for: either backed up with the appropriate evidence or apologised for,’’ sinabi ng tagapagsalita ni Russian President Vladimir Putin na si Dmitry Peskov.

Internasyonal

Sikat na nagyeyelong Mt. Fuji sa Japan, hindi nag-snow matapos ang 130 taon