Ni Ador Saluta

SA teaser pa lamang ng pelikulang Never Not Love You na pagbibidahan ng real and reel sweethearts na sina Nadine Lustre at James Reid, magsasawa ang fans sa kissing scenes.

010718-jadine

Sabi ng dalawa, graduate na sila sa pa-cutie-cutie kaya level-up na sila sa kanilang bagong pelikula.

Musika at Kanta

Regine, 'di na kering makipagsabayan sa mga batang singer: 'It's no longer my time'

“I think it’s time for us to take them to the next level, I’m sure they will see it around the corner, sharing with them something different, something more from JaDine,” pahayag ni James.

Paliwanag naman ni Nadine, kung anuman ang bagong mapapanood sa kanila ni James, tunay na sarili lang nila ang ipinakita nila sa kanilang bagong pelikula.

“Not necessarily comparing to other love teams, but it’s something more real, something more raw and more true to life for us,” ani Nadine.

Aminado ang young couple na open na sila sa pag-i-explore sa kanilang future roles.

“I think we’re just open on trying new things, ako I’m super excited with this movie, right now I’m happy with my role here it pushes our limit,” sabi ng binata.

“Not necessarily daring, not really mapangahas, but we’re really excited with our roles kasi it’s very far from rom-com and my next project naman The Nurse, medyo suspense naman po siya,” susog ni Nadine.

Kung level up ang roles nila sa kanilang projects, posible rin bang mag-level-up na ang relasyon ng JaDine sa kasalan?

“Our relationship is very open minded,” medyo malayong sagot ni James.

“I guess depende pa din sa tao, ang relationship naman po kasi parang per couple mayroon silang sari-sariling choices,” sey naman ni Nadine.

Ang Never Not Love You ay magsisimulang ipalabas sa mga sinehan sa Black Saturday, mula sa direksiyon ni Antoinette Jadaone under Viva Films.