Ni Bella Gamotea

Nagpatupad ng dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa bansa, sa pangunguna ng Pilipinas Shell, ngayong Martes.

Sa pahayag ng Shell, epektibo dakong 6:00 ng umaga ngayong Martes ay nagtaas ito ng 40 sentimos sa kada litro ng diesel kasabay ng 55 sentimos na tapyas sa kerosene, habang hindi gumalaw ang presyo ng gasolina nito.

Kaagad namang sumunod ang Eastern Petroleum na nagpatupad ng kaparehong dagdag-presyo sa kada litro ng diesel, habang hindi naman nagbago ang presyo ng gasolina at kerosene.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang bagong price adjustment ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.