Ni Marivic Awitan

Mga Laro sa Miyerkules

(Filoil Flying V Center)

8 a.m. UP vs. FEU (M)

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

10 a.m. La Salle vs. UE (M)

2 p.m. UE vs. Ateneo (W)

4 p.m. NU vs. Adamson (W)

MULING pinadapa ng National University ang De La Salle University, 26-24, 19-25, 25-20, 28-26 upang pormal na umusad sa men’s Final Four round ng UAAP Season 80 volleyball tournament kahaoon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Pinangunahan ni Bryan Bagunas ang nasabing 6th straight na semifinals appearance ng Bulldogs matapos magtala ng 28-puntos na kinabibilangan ng 15 hits, 1 block at 2 aces.

Ang panalo ang ika-9 ng Bulldogs at ikawalo nilang sunod sa loob ng 10 laro na nagpatatag ng kanilang solong pamumuno.

Apat pang Bulldogs ang umiskor ng double figures para sa naturang panalo na kinabibilangan nina Kim Malabunga at James Natividad na kapwa may tig-14 puntos at sina Fauzi Ismail at Francis Saura na may 13 at 11 puntos ayon sa pagkakasunod.

Bunga ng kabiguan, nalaglag ang Green Spikers na pinangunahan nina Raymark Woo at Arjay Onia na kapwa may tig-16 puntos sa ikatlong puwesto taglay ang markang 3-6, panalo-talo.