Ni NITZ MIRALLES

DELETED na sa Facebook ang comment na “flop” sa live video sa presscon ng Never Not Love You nina James Reid at Nadine Lustre under Viva Films na showing sa March 31.

Nadine at James copy

Natural, nag-react at nagalit ang JaDine fans sa Cinema Bravo na in fairness, agad inako ang pagkakamali.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Sabi ng admin, sisiguraduhin nila na tatlo na lang ang may access sa nasabing account para hindi na maulit ang nangyari. 

Bukod sa nagalit ang JaDine fans, may mga nag-unfollow pa sa Cinema Bravo.

Unfair nga naman dahil pinaghirapan ang Never Not Love You, ginastusan dahil nag-shooting pa sa London. Nag-take pa ng risk sina James, Nadine at Direk Antoinette Jadaone to give the JaDine fans and the moviegoers a different material at idagdag na rin na more mature and daring roles ang ginampanan ng dalawa.

“There’s no bed scene, pero maraming intimate scenes and kissing scenes,” sabi ni James at dinagdagan ng comment na, “it was hard for me to act like it was our first kiss” dahil nga magdyowa na sila.

After Never ot Love You, nabanggit ni James na may Pedro Penduko siyang solo movie at si Nadine ay gagawin naman ang The Nurse.