NI Gilbert Espeña

KARANASAN ang gagamitin ni Filipino journeyman Ricky Sismundo sa pagkasa kay Russian Batyr Ahmedov sa kanilang 10-round na sagupaan para sa bakanteng WBA Inter-Continental super lightweight title sa Linggo sa Floyd Mayweather Boxing Academy, Shukovka, Russia.

Dating amateur boxer ng Russia si Ahmedov na may dalawang panalo pa lamang kapwa sa knockouts kaya kailangang patulugin siya ni Sismundo dahil bihira ang Filipino boxer na nananalo sa puntos sa Russia.

Beterano si Sismundo ng 46 laban at tumanyag nang matalo lamang sa kontrobersiyal na 10-round split decision kay one-time world title challenger Jose Felix Jr. ng Mexico sa kanyang unang laban sa United States noong Enero 20, 2016.

PVL, ibinalandra eligibility rules sa foreign players; Alohi Hardy, ekis ngayong conference

Nasundan pa ito ng tatlong laban sa Canada kung saan tumabla sa kanyang si one-time world tile challenger Dierry Jean, tinalo sa puntos si dating WBC Continental Americas at NABF lightweight champion Ghislain Maduma ng Congo pero natalo sa 10-round unanimous kay NABF super lightweight titlist Yves Ullysse Jr.

Nagbalik sa Pilipinas si Sismundo kung saan tinalo sa knockouts sina Boyce Sultan at dating Philippine Boxing Federation featherweight champion Jason Redondo para mapaganda ang kanyang rekord sa 33-10-3 na may 15 panalo sa knockouts.