Ni Leandro Alborote

CONCEPCION, Tarlac - Bumagsak na sa kamay ng pulisya ang dalawang umano’y swindler na naiulat na nag-o-operate sa Tarlac nitong Biyernes ng umaga.

Sina Marife Briones, 37, ng San Lorenzo Ruiz, Dasmariñas, Cavite; at Alex Farin, 39, ng Dagat-Dagatan, Caloocan, ay nakapiit na ngayon sa Concepcion Police.

Paliwanag ni PO1 Christian Guiwa, inaresto sina Briones at Ruiz nang magsangla umano ng iba’t ibang uri ng alahas sa isang pawnshop sa San Nicolas, Concepcion.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Ayon kay PO1 Guiwa, tinangkang i-double-cross ng dalawa ang nabanggit na pawnshop ngunit nabuking sila ng branch manager nito na si Amy Rivera, 38, may asawa, ng Green Village, Concepcion, Tarlac.

Nang isailalim sa pagsusuri, natuklasan na mga peke ang nabanggit na alahas, kaya ipinaaresto ang dalawa.