PATULOY ang GMA Network sa pakikiisa sa naglalakihang festivals ng bansa. Sa pamamagitan ng GMA Regional TV, pupunta sa Davao ang naglalakihang Kapuso stars ngayong Biyernes at Sabado upang makisaya sa selebrasyon ng Araw ng Dabaw.

Megan Young Mikael Daez, and Katrina Halili copy

Ang stars ng inaabangang teleseryeng The Cure na sina Jennylyn Mercado at Tom Rodriguez ang mangunguna sa Parada Dabawenyo sa ngayong Biyernes, ganap na ika-7 ng umaga.

Present din sa Kapuso Float ang stars ng GMA Afternoon Prime na The Stepdaughters na sina Megan Young at Mikael Daez kasama si Katrina Halili.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Tuluy-tuloy ang pagpapasaya ng stars ng The Cure at ng The Stepdaughters sa Kapuso Mall Show sa SM City Davao na magsisimula ng ika-4 ng hapon.

‘Saturdate’ to remember naman ang handog ng cast ng Sherlock Jr. bukas.

Siguradong marami ang kikiligin sa sweetness nina Ruru Madrid atGabbi Garcia sa Abreeza Mall sa ganap na alas-4 ng hapon. Makakasama sa kulitan nila sina Andre Paras at Kate Valdez.