Ni Mary Ann Santiago

Isang barangay kagawad at isang babae ang inaresto ng awtoridad sa buy-bust operation sa Pandacan, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na sina Ronald Falcis, 48, barangay kagawad ng Barangay 852, Zone 93, at residente ng Lot 10, Block 7, Kahilum 3, Pandacan; at Jennifer Garilao, 43, dalaga, at residente ng 2136 Pres. Quirino Avenue, kapwa sa Pandacan.

Sa ulat mula sa tanggapan ni Police Supt. Robert Domingo, commander ng Manila Police District (MPD)-Station 10, inaresto ang mga suspek sa West Zamora Street, malapit sa Pres. Quirino Avenue, dakong 1:10 ng madaling araw.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nakatanggap ng report ang pulisya hinggil sa ilegal na aktibidad ng mga suspek at nagkasa ng operasyon laban sa mga ito.

Nakumpiska sa mga suspek ang dalawang pakete ng hinihinalang shabu, assorted drug paraphernalia, at P1,000 marked money.