NAG-FILE ng divorce ang asawa ni Donald Trump Jr. matapos ang halos 13 taong pagsasama bilang mag-asawa.

Don Jr. at Vanessa copy

Isinumite ni Vanessa Trump ang mga dokumento nitong Huwebes sa Manhattan courts, at habol niya ang uncontested proceeding. Matibay itong palatandaan na napag-usapan na ng dalawa ang kanilang paghihiwalay, gaya ng child custody at property.

Ayon sa sources, na malapit sa pamilya, sa TMZ, ang divorce ay matagal nang nais gawin, at ang kanilang relasyon ay naging “bad for a while.” Ang isa sa mga isyu ay dahil “(Vanessa) hates politics and Don Jr. is gone all the time.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ayon naman sa isang source, sa halip na malungkot o magalit, “relieved” si Don Jr.

Nagkaroon sila ng limang anak – edad tatlo hanggang sampu, simula nang magpakasal noong 2005.

Ayon sa NY Post, na unang nagbalita tungkol sa hiwalayan, nabahala si Vanessa tungkol sa ilang kontrobersiyal na tweet ni Don Jr. at marami dito ay dahil sa pagdepensa nito kay President Trump at sa mga polisiya nito.

Nagkaroon ng major scare nitong nakaraang buwan si Vanessa, nang makatanggap siya ng envelope na may puting powder, at isang hate letter para kay Don Jr., na may nakasaad na, “You the family idiot. This is the reason why people hate you. You are getting what you deserve.” Kalaunan ay natukoy na ang powder ay corn starch, at naaresto na ang nagpadala ng sulat.

Sinabi ng sources na nasindak si Vanessa sa naturang pangyayari.