Mula sa Yahoo Celebrity

MARAMI ang napapaisip kung tomboy si Kendall Jenner dahil sa nakikita ng netizens sa Internet, gaya ng conspiracy theories sa tunay na estado ng relasyon niya kina Lauren Perez, Cara Delevingne, at iba pang babae sa nakaraan. Gayunman, nagpaliwanag si Jenner para linawin ang lahat ng usap-usapan tungkol sa kanya — at simple lang ito.

Kendall copy

Sa cover-story interview ng Vogue para sa April issue nito, sinabi ni Jenner na, “I don’t think I have a bisexual or gay bone in my body,” at sinabi rin na maaaring umusbong ang mga usap-usapan tungkol dito dahil hindi siya nagbabahagi ng tungkol sa kanyang love life sa mata ng publiko.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“I’m not like all my other sisters, who are like, ‘Here’s me and my boyfriend,’” paliwanag niya. “No one ever saw me with a guy. … I would always go that extra mile to be low-key with guys, sneaking around all the time.”

Ayon kay Jenner, na umaming mayroong “male energy”, hindi niya sasabihin na hindi niya ito gagawin sa hinaharap, ngunit hindi pa niya talaga nararanasang makipagrelasyon sa kapwa babae.

“I’m all down for experience — not against it whatsoever — but I’ve never been there before.”

Dahil transgender ang tatay ni Jenner, hindi na nakakagulat kung hindi siya ang taong maglilihim ng seksuwalidad.

“I have literally nothing to hide,” aniya. “I would never hide something like that.”

Halu-halo ang mga reaksiyon sa social media sa naging komento ni Jenner, ang iba ay sinabihan siyang “brave” at ang iba naman ay napaismid na lang sa sentimiyento niya.

Usap-usapan na karelasyon ni Jenner ang basketball player na si Blake Griffin ng Detroit Pistons, ngunit hindi niya ito kinumpirma o itinanggi.