LONDON (Reuters) – Palalayasin ng Britain ang 23 Russian diplomats, ang pinakamalaking bilang simula noong Cold War, kaugnay sa chemical attack sa isang dating Russian double agent sa England na isinisi ni Prime Minister Theresa May sa Moscow, isang assessment na sinuportahan ng United States.
Pinaratangan ni May si Russian President Vladimir Putin nitong Miyerkules kasabay ng paglatag ng retaliatory measures sa parliament.
Itinanggi ng Russia na may kinalaman ito sa pag-atake sa ex-spy na si Sergei Skripal at anak nitong babae na si Yulia, na kritikal pa rin sa ospital simula nang sila ay matagpuang walang malay noong Marso 4 sa isang upuan sa lungsod ng Salisbury.
Ipinahayag ni May ang posibleng pag-freeze sa Russian state assets na itinuturing na banta sa seguridad, mga bagong batas laban sa aktibidad hostile state at pagbawas sa delegasyon ng Britain sa soccer World Cup sa Russia ngayong summer.
Binigyan niya ang Moscow ng hanggang Martes ng gabipara magpaliwanag kung paanong ang gawang Soviet na Novichok nerve agent ay nakarating sa mga lansangan ng Salisbury. Sinabi niya na ang Russian state ang responsible o nawalan ito ng kontrol sa imbak na substance.
Sinabi ng Russian Foreign Ministry na mabilis ang magiging ganti ng Moscow laban sa mga hakbang ng Britin na nakabatay sa “short-sighted political ends”.
Pinanindigan ni Russian Ambassador to the United Nations Vassily Nebenzia ang pagtanggi ng Moscow na may kinalaman ito sa anumang panglalason at humiling ng patunay sa akusasyon.