Ni Lyka Manalo

BATANGAS CITY, Batangas – Inaresto ng mga pulis ang tatlong menor de edad na nahuling nagbebenta ng umano’y marijuana sa magkahiwalay na lugar sa Batangas City, Batangas, nitong Martes ng madaling araw.

Ayon kay Supt. Wildemar Tiu, hepe ng pulisya, nagsagawa ng operasyon ang Drug Enforcement Unit (DEU) sa Barangay Gulod Labac at inaresto ang isang 15-anyos na lalaki, dakong 1:20 ng madaling araw.

Nakumpiska sa suspek ang dalawang pakete ng hinihinalang marijuana na nagkakahalaga ng P2,000.

Probinsya

Nasa 4,000 mga labi, apektado ng konstruksyon sa isang sementeryo sa Cebu

Samantala, sabay na inaresto ang dalawa pang suspek, edad 15 at 17, sa Tierra Verde Subdivision, Bgy. Pallocan West.

Nakuha umano sa mga suspek ang limang pakete at isang plastic container ng dahon ng marijuana, na nagkakahalaga ng P1,000, at marked money.

Nakatakdang iendorso ang mga suspek sa City Social Welfare and Development (CSWD).