Ni Nora Calderon

SA tatlong sexy actress na ex-girlfriend ni Dennis Trillo sa The One That Got Away na ginagampanpanan nina Lovi Poe, Max Collins at Rhian, ang huli ang pinaka-daring dahil isa model siya ng mga ginagawa niyang beach wears sa istorya. Daring din siya sa pakikipagrelasyon niya kina Liam (Dennis), Gael (Jason Abalos) at kay Inigo (Ivan Dorschner).

Rhian copy

Pero kung napaka-sexy ni Rhian Ramos sa role niya as Zoe sa The One That Got Away, ibang-iba naman ang attire niya sa post niya sa Instagram para sa bagong project na gagawin niya.

Karina Bautista, PH navy reservist na

“All about correct gun handling for #72 hours.  Sobrang galing ng mga nagturo sa akin, was able to learn so much in this crash course and I can’t wait to show you all that in my role as a PNP officer.”

Dagdag pa niya: “Shooting a new action movie for y’all to watch out for!  So lucky to be having a go at so many different genres this year!”

Dahil naka-tag ang #ImusProductions, malamang na ito na iyong sinabi ni Rhian nang makausap namin sa set ng rom-com,  na isang episode sa movie ang gagawin niya sa said production tambal si Jolo Revilla.

Bukod sa bida, producers din ng naturang pelikula ang magkapatid na Jolo at Bryan Revilla.