MAGSASAGAWA ang Departamento ng Filipino ng Pamantasang De La Salle-Manila ng pambansang seminar-worksyap at pakitang-turo sa Abril 25-28 sa Seminar Room 407-409, Don Enrique Yuchengco Hall sa DLSU Manila Campus.
Tema ng seminar-workshop ang “Pedagohiyang Kooperatibo, Integratibo, Interaktibo, at Outcomes-Based sa Wika at Panitikang Filipino Mula Elementarya Hanggang Kolehiyo.”
Makakukuha ng Continuing Professional Development (CPD) CREDIT UNITS ang mga dadalo.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring tumawag sa numerong (02) 524-4611 local 509 o 552 (hanapin si Ms. Malou Bagona) o sa 0927-242-1630, (hanapin si Dr. David Michael M. San Juan), Direktor ng Pambansang Seminar-Worksyap 2018. Maaari ring mag e-mail sa [email protected].