HANDA na ang lahat sa pagtulak ng “Marvelous” Marlon Reyes Manalo Chess Cup sa susunod na buwan.

Pinamagatang “Beat the chess masters, Push Pawns, Not Drugs” kung saan magsisilbing punong abala si Liga ng mga Barangay sa Pilipinas National PRO “Marvelous” Marlon Reyes Manalo, ang butihing chairman ng Barangay Malamig at incumbent ABC president din ng Mandaluyong City.

Magsasagawa ng kakaibang simultaneous chess exhibition si National Master Romeo Mercado Alcodia, ang 1999 Grand Asian Chess Challenge Inter-Collegiate (Kuala, Lumpur, Malaysia) co-champion na dating top player ng multi-titled National Capital Region-State Colleges and Universities Athletic Association (NCR-SCUAA) Champion Rizal Technological University (RTU) Mandaluyong City.

Nakalinya tin ang taunang “Marvelous” Marlon Reyes Manalo basketball cup.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nitong Sabado, naghandog si Kap. Marlon Manalo kasama si Kag. Cynthia Caluya at ng Council ng Libreng pa Bingo sa mga residente ng Barangay Malamig bukod sa maagang Libreng Hair Makeover.

“Serbisyong Manalo Panalo,” giit nina secretary Ariel Barroga Arcebal at treasurer Nelson Sandoval Añonuevo.