Ni Fer Taboy

Malubhang nasugatan ang dalawang sundalo nang makasagupa ang grupo ng New People’s Army (NPA) sa Balayan, Batangas, nitong Sabado ng umaga.

Kinumpirma ni Capt. Patrick Jay Retumban, Public Information Officer ng 2nd Infantry Division ng Philippine Army, na dalawang miyembro ng 202nd Army Brigade ang nasugatan. Hindi muna binanggit ang pagkakakilanlan ng mga ito.

Aniya, unang nakasagupa ng mga sundalo ang remnants ng Sub-Regional Military Area 4C sa Sitio Kapihan, Barangay Patugo, bandang 8:30 ng umaga.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Sumiklab naman ang pangalawang labanan, tumagal ng isang oras, bandang 9:12 ng umaga.

Mabilis na tumakas ang mga rebelde sa iba’t ibang direksiyon.