NAKASENTRO ang atensiyon ngayon sa mga kababaihan kung saan itutulak ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) ang pinamagatang Rage of Angels, isang blitz battle royale tampok ang walong strongest lady woodpushers sa bansa.
Maisasahimpapawid ang Rage of Angels ng live sa YouTube channel ng NCFP sa ganap na 10:00 umaga kung saan ipinagdidiwang ngayun buwan ng Marso ang International Women’s Days.
“The YouTube channel of the National Chess Federation of the Philippines will broadcast Rage of Angels, a team Blitz Battle Royale featuring 8 of our women chessplayers.” sabi ni tournament director Atty. Cliburn Anthony A. Orbe, treasurer of ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP).