TARGET ng husband & wife team nina Boyet at Grace Sison ng Bacolod & Negros Occidental ang ikatlong World Pitmasters Cup title sa paglarga ng 2018 World Pitmasters Cup (Fiesta Editon) 9-Cock International Derby sa April 28 hanggang Mayo 5 sa Newport Performing Arts Theatre, Resorts World Manila.

Itinataguyod nina Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, RJ Mea at Thunderbird’s two top endorsers Engr. Sonny Lagon & Gov. Eddiebong Plaza, sa pakikipagtulungan ina Ka Lando Luzong & Eric dela Rosa at Thundebird Platinum –sa paluan ‘di mauunahan.

Nakopo ng Sisons ang 2017 World Pitmasters Cup 2nd 9-Stag International Derby nitong Nobyembre at nasundan ng tagumpay kasama si Anthony Marasigan sa e 2018 World Pitmasters Cup nitong Enero.

Kompirmado ring sasabak ang mga pamosong breeder na sina Dan Padilla, Hermie Pagtalunan, Marcu del Rosario, Mayor Baba Yap, partners Jap Gagalac at Clarissa Salazar ng Livewire Gamefarm; Engr. Jacob Lee of LJ Red Crown Gamefarm; Jhay Pableo & partner Rene Maglayo; Barry Crisostomo; Philippine cockfighting’s “Mr. Cool” Dicky Lim; top breeder Rafael “Nene” Abello; sabong princess Rhona Bullecer; Arman Santos; Cong. Khulit Alcala; Nestor Vendivil at Anthony Lim ng Quezon.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sanctioned ng Games & Amusements Board, sa pamumuno ni Chairman Baham Mitra, ang 2018 World Pitmasters Cup 9-Cock International Derby ay may nakatayang guaranteed cash prize na P15 milyon para sa entry fee na P88,000 at minimum bet na P55,000.

Ang 2-cock eliminations ay sa April 28 (Group A) & 29 (Group B), habang ang 3-cock semis ay sa Abril 30 (Group A) & May 1 (Group B).

Ang may iskor na 3-3.5 ay kasama sa 4-cock finals sa Mayo 3, habang ang may iskor na 4, 4.5 & 5 puntos ay maglalaban sa Mayo 5 para sa 4-cock grand finals.

Tumatanggap na ng reservation. Makipag-ugnayan lamang sa 0927-8419979.