Ni Nitz Miralles

SA March 14 na ang showing ng My Perfect You, ang Star Cinema movie nina Gerald Anderson at Pia Wurtzbach sa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina.

GERALD AT PIA copy

Alam mo agad na kinasasabikan ng marami na mapanood ang pelikula dahil mabilis na umabot ng milyon ang views ng trailer.

Sa presscon mamaya, malalaman natin kung bakit long hair ang karakter ni Gerald na si Burn at kung bakit simple ang karakter ni Pia bilang si Avi. Maganda ang feedback sa trailer at sa poster, hindi lang namin alam kung alin sa dalawang ipinost ni Gerald ang official poster ng movie.

Tsika at Intriga

Bully issue ng mga anak: Rob Sy, umalma matapos kasuhan ni Alfred Vargas!

Sa Monday, March 12, ang premiere night ng My Perfect You sa SM Megamall. Kasaama nina Pia at Gerald sa pelikulang ito sina Tonton Gutierrez, Janus del Prado, Wilma Doesnt, RJ Ledesma at Dimples Romana.