Ni Reggee Bonoan

SA tuwing nakakapanayam namin si Angeline Quinto ay wala kaming ginawa kundi tumawa nang tumawa dahil sa mga kuwento niya na hindi namin alam kung puwedeng isulat o off-the-record.

Angeline copy

Kampante kasi sa amin si Angeline kaya kahit personal na buhay ay ikinukuwento niya kaya kami na mismo ang nagtatanong kung puwedeng isulat, tulad nitong usapan namin sa media conference ng Cornerstone Concerts sa Luxent Hotel na may kinalaman sa breast reduction niya three years ago.

'Dami pong sideline!' BINI Jhoanna, sumabak bilang docuseries intern

Napansing lumiit ang upper bumper ni Angeline kaya pala wala nang gaanong nasisilip na cleavage niya sa tuwing naka-off-shoulder siya.

Dating 36D ang upper bumper ni Angge na ngayon ay 36B na lang, “Sobrang nahihirapan kasi akong mag-fit ng damit, Ate Reggs. Okay lahat ang fit sa lahat, pero pagdating sa boobs, hindi masara. Si Pepsi Herrera (SLN) po dati ang nagbibihis sa akin at talagang nahihirapan din siya,” kuwento ni Angeline.

Inakala kasi ng lahat ay retokada ang boobs ng singer/actress dahil nga alanganin ang laki nito sa height niya pero totoo pala iyon.

“Totoo po talaga ang boobs ko, Ate Reggs, hindi ako retokada,” kaswal na sabi ng dalaga.

Bago siya nagdesisyong sumailalim sa breast reduction ay kinausap siyang mabuti dahil kapag ginawa niya ito ay hindi na siya makakapag-breastfeed kapag nagkaanak.

“‘Yun po ang malungkot! Nu’ng pipirma ako ng kontrata (waiver) bago ako magpa-breast reduction, nanalangin po ako na kung sakaling magka-baby po ako, may mga nabibili namang milk na galing sa ibang nanay. ‘Yun na lang po ang naisip ko kung sakaling magkaanak ako,” pagtatapat ng dalaga.

Nakakabilib si Angeline dahil ‘yung iba ay inililihim ang mga ipinagagawa nila sa katawan.

“Hindi ko nga po alam, kasi baligtad nga. Sinasabi ng iba na nagparetoke ng ilong which is hindi naman po totoo, pinaplano ko pa lang magpa-trim ng ilong kasi sa totoo lang kapag wala akong make-up, malaki naman po talaga ang ilong ko.

“Siguro matapang lang ako magsalita ng mga ganitong bagay kasi ito ‘yung totoo. Inamin ko rin na nagpa-liposuction ako four years ago at sa mata, nagpalagay ako ng talukap kasi ‘yung mga make-up artist ko dati nagrereklamo na ang hirap ko raw make-up-an sa mata, walang mapaglagyan ng eye shadow,” kuwento pa ni Angge.

Ang lahat ng pinagawa ni Angeline ay courtesy of Belo Medical Clinic.

“Hindi kopl po ‘pina-cover dati kasi natakot po ako na kung anong isipin ng mga tao. Pero ginawa ko ito kasi dito ako komportable at alam kong malaki ang naitulong nito sa trabaho ko.”

Dalawang linggo nagpahinga si Angeline pagkatapos ng breast reduction surgery at nahirapan siya.

“Nahirapan ako kasi keloidal ako, so may marka. May paraan naman ang Belo para mawala, hindi ko lang po ‘pinagagawa pa kasi baka masaktan na naman ako. Hindi naman po nakikita kaya hindi ko pa ‘pinagawa,” kuwento pa.

Hindi pa suguro maharap ni Angeline ang pagpapatanggal alng keloids dahil marami siyang trabaho tulad ng I Can See Your Voice bilang isa sa sing-vestigators, ASAP, two movies this year, corporate shows at ang The Divas Live 2 na mangyayari ngayong Nobyembre sa Smart Araneta Coliseum kasama sina KZ Tandingan, Kyla at Yeng Constantino.

So, puro na lang siya trabaho at nakalimutan na niya ang love life niya?

“Ang daming trabaho kasing dumarating, Ate Reggs, kaya ito muna ang unahin ko, bahala na kung sino ang dumating para sa akin,” katwiran ng dalaga.