Ni Jun Fabon

Kaagad sinibak sa puwesto ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar si QCPD Station 5 commander Supt. Tomas Nuñez nang magpositibo sa ilegal na droga ang isa nitong tauhan, sa surprised drug test sa Camp Karingal, kamakailan.

Sa ulat na nakarating kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director Oscar Albayalde, kinilala ang sinibak na si PO1 Gabby Tumaliuan, tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), na nagpositibo sa drug test ng QCPD.

Nasibak din ang hepe ng SDEU na si Senior Insp. Danilo Songalia, immediate superior ni PO1 Tumaliuan.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

Tinanggal sa puwesto si Supt. Nuñez, hepe ng QCPD-Station 5 dahil naman sa command responsibilities.