Ni Nitz Miralles

HINDI maghihintay ng matagal ang susubaybay sa Contessa dahil sa pilot week pa lang, at baka nga sa pilot episode agad, ipapakita na ang pagiging bisexual ng karakter ni Gabby Eigenmann na si Vito Imperial.

gabby

Nagulat nga pati si Gabby mismo sa bilis ng takbo ng istorya ng Afternoon Prime na magpa-pilot sa March 19, kapalit ng Ika-6 Na Utos.

Tsika at Intriga

Angelica Yulo, nagka-award dahil sa mga anak

“Ang ibang teleserye, patatagalin pa na ipaalam ang lihim ng karakter, pero sa Contessa, sa first week o baka sa first episode pa lang, mabubuking nang bisexual ako at lover ko ang right hand man ko na si Winston (Phytos Ramirez). Ipapakita rin ang tender moments namin together, masarap at masaya siyang gawin,” panimula ni Gabby.

Ibang-iba si Vito kay Dading, ang gay character ni Gabby sa Dading na una nilang pinagsamahan ni Glaiza.

Minahal siya ng viewers bilang si Dading at hanggang ngayon nga, hindi pa rin nakakalimutan ng viewers ang karakter na ‘yun.

“As Vito Imperial, isusumpa ako ng viewers at expected ko na ‘yun dahil sa sobrang sama ko. Bisexual na may trophy wife to hide his real identity. Peg ko sa karakter ko si Pacho Herrera sa Narcos,” patuloy ni Gabby.

Sino sa local celebrities ang peg niya? Based ba ang karakter niya sa pag-amin ni Mark Bautista na bisexual ito?

“Marami akong peg sa local celebrities, bisexual, pero ‘wag na natin silang pangalanan. As for Mark, nauna ang Contessa sa paglabas ng book niya. As for Mark, it takes courage to tell all at hanga ako sa kanya. Kung ang pag-a-out ang magbibigay sa kanya ng peace of mind at magpapasaya, let’s give it to him,” pagtatapos ni Gabby.

Si Albert Langitan ang director ng Contessa at sa ganda ng istorya about revenge, tututukan ito ng tao hanggang sa ending after 13 weeks, ito ay kung hindi ma-i-extend.