Ni Lyka Manalo

BATANGAS CITY, Batangas - Patay ang isang preso matapos na pagsasaksakin ng kanyang kapwa bilanggo sa loob ng Batangas Provincial Jail sa Batangas City, nitong Linggo.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Remon Arabes, 27, ng Malvar, Batangas, na may kasong homicide.

Sinampahan naman ng murder ang suspek na si Larry Silva, 31, ng Talisay, Batangas, na akusado sa murder at homicide.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Ayon kay PO2 Billy Rey Olalo, dakong 4:15 ng hapon nang bigla na lamang saksakin ng suspek ang biktima sa loob ng selda.

Isinugod sa Batangas Medical Center ang biktima subalit dead on arrival na ito.