Ni NORA CALDERON

IKINAGULAT ni Camille Prats na after five months pa lang after giving birth sa bunso nila ni VJ Yambao na si Nala, may offer na agad sa kanyang morning teleserye, ang Ang Forever Ko’y Ikaw (AFKI).

Neil Ryan at Camille copy

Naisip daw agad niya kung paano niya ibabalik ang dating weight niya noong hindi pa siya preggy dahil nagbi-breast feeding siya.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“At nagulat din ako nang malaman kong ang katapat naming show ay iyong show nina Jodi Sta. Maria sa morning slot din,” say ni Camille.  “Fan po kasi ako ni Jodi at pinapanood ko ang show niya, hanga ako sa husay niya sa acting and as a person.  Pero nang malaman ko naman ang concept ng aming show na makakatambal ko si Neil Ryan Sese, it seems interesting.  At ang maganda, parang buhay ko ang story ng romantic-comedy series namin.

“Isa akong single parent na may dalawang anak, ‘yung isa teenager na at ang youngest ko boy.  Pero sa totoong buhay, eldest ko si Nathan at youngest ko nga si Nala.  Parang patutunayan lang namin sa story na may tamang tao na ibinibigay sa iyo ang Diyos kung hindi kayo nagkatuluyan ng una mong minahal.”

Hindi ba siya nagwu-worry na babanggain nila sina Jodi at Richard Yap na unang nagtambal sa Be Careful With My Heart na talaga namang nagkamit ng mataas na ratings noon at sinamahan pa ngayon ni Robin Padilla?

“Naniniwala po naman ako na maraming TV viewers at puwede naman silang mamili kung ano ang gusto nilang panoorin. Gusto lang po naming magbigay ng saya sa televiewers sa umaga, lalo na sa mga mommies habang nagluluto sila ng tanghalian. Pa-good vibes lang sa umaga ang aming story.”

Parehong single parent sina Camille at Neil Ryan sa istorya at nakatira sila sa isang condominium pero hindi nagkikita at hindi magkakilala. Dagdag saya sa istorya ang kani-kanilang anak (played by Ayra Mariano and Jude Paolo Diangson for Camille at si Bruno Gabriel naman for Neil Ryan).  Kasama ring magbibigay ng saya sina Cai Cortez, Archie Alemania at si Ms. Odette Khan, sa direksyon nina Tata Betita at Jojo Nones.

Mapapanood na ito simula sa Monday, March 12, bago ang Eat Bulaga at sabay din itong mapapanood sa GMA’s international channels ng GMA Pinoy TV, GMA Life TV at GMA News TV International.  For the program guide, visitwww.gmapinoytv.com.