Ni NORA CALDERON

MABIGAT ang laban ni Joshua Garcia bilang isa sa nominees sa Nikelodeon Kids’ Choice Awards bilang Favorite Pinoy Newbie for 2018. Dalawa rin kasing Kapamilya stars ang nominees sa said category, sina Iñigo Pascual at Loisa Andalio at si Gabbi Garcia naman na Kapuso actress.

joshua and julia

To the rescue kay Joshua ang girlfriend niyang si Julia Barretto, na may 1.3 million plus followers. Tweet ni Julia: “Can anyone unite for my love and make him win this thing?”

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Dalawang hashtags ang gagamitin sa pagboto: #KCA #FavPinoyNewbieJoshua para mabilang ang mga boto o pumunta sa site ng kca.nick-asia.com/vote at i-klick kung sinong Pinoy newbie and gusto ninyong manalo.

Kaya si Julia, nag-post pa ng photos sa Twitter at shout out ng young actress: “How many retweets for this cutie?” nangangahulugan iyon na gusto ni Julia ang karangalan para sa kanyang boyfriend.