Ni Argyll Cyrus B. Geducos

Ipinahayag ni Pangulong Duterte na hindi madaling pamunuan ang isang demokratikong bansa, sinabing ang constitutional provisions na pumuprotekta sa mga tao sa pang-aabuso ay minsang sinasamantala.

Ito ang naging pahayag ni Duterte matapos iulat na hiniling ni Iceland Minister for Foreign Affairs Gudlaugur Thór Thórdarson sa Pilipinas na tanggapin ang pagbisita ni United Nations (UN) Special Rapporteur Agnes Callamard upang imbestigahan ang umano’y extrajudicial killings at human rights abuses sa bansa.

Ayon sa Pangulo, ang constitutional safeguards laban sa human rights abuses ay ang kadalasang dahilan kung bakit nahihirapan ang gobyerno na harapin ang tamang direksiyon.

National

Ex-Pres. Duterte, ikakampanya si Quiboloy: 'Marami siyang alam sa buhay!'

“This is democracy and that is the reason we are pretty hard up. It is not easy to run a government that is democratic because of the so many rights of the citizens,” bahagi ng talumpati ni Duterte sa Davao City.

Sinabi ng Pangulo na habang sinasaligan ang police power ng Konstitusyon, power of eminent domain, at power of taxation, ang Bill of Rights ay ang “firewall.”

“But there is a firewall also and that is the Bill of Rights --- due process, right to be heard, lawyer, during an investigation, and all of these things. And that is why we can hardly cope up,” sabi niya.

Binatikos ni Duterte ang human rights groups na tumutuligsa sa madugo niyang kampanya laban sa droga na tinatayang aabot sa 4,000 drug suspects ang napatay sa police operations.

Kaugnay nito, ipinag-utos ni Duterte na huwag tanggapin ang kahit sinong UN special rapporteur na maaring bumisita sa ‘Pinas upang imbestigahan ang mga pagpatay at ang sinasabing human rights violations.

“So I’d like to announce. Ulitin ko, inannounce ko na ‘yan noon eh, na back up ko kayo. And pagdating ng human rights o sino mang rapporteur diyan, ang order ko sa inyo – Do not answer. Do not bother,” pahayag ng Pangulo.

“Why would we be answering --- Bakit sino sila? And who are you to interfere in the way I would run my country?” dagdag ni Duterte.