HOUSTON (AP) — Nalusutan ng Rockets ang matikas na Boston Celtics sa krusyal na sandali para sa 123-120 desisyon at hilahin ang winning streak sa season-high 15 na laro.

Nanguna si Eric Gordon na may 29 puntos mula sa bench, habang kumana si James Harden ng 26 puntos at 10 assists.

Naghabol ang Houston sa anim na puntos, ngunit nagbagsak ng 10-2 run para maagaw ang bentahe sa 117-115 may 1:16 sa laro. Umiskor si Trevor Ariza ng 3-pointer bago naagaw ang bola kay Kyrie Irving para selyuhan ang panalo ng Rockets, nangunguna sa NBA sa kartang 47-13.

Hataw sa Boston si Marcus Morris sa natipang 21 puntos.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

HEAT 105, PISTONS 96

Sa Miami, hataw sina Kelly Olynyk at Josh Richardson ng tig-17 puntps para sandigan ang Heat kontra Detroit Pistons.

Nag-ambag sina Goran Dragic at Justise Winslow ng tig-13 puntos para patibayina ng kam panya para sa No.8 spot sa Eastern Conference.

Sa iba pang laro, ginapi ng Los Angeles lakers, sa pangunguna ni Julius Randle na may 25 puntos, ang San Antonio Spurs, 116-112; hiniya ng Denver Nugggets ang Cleveland Cavaliers, 126-117.