Ni Leonel M. Abasola
Suportado ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang plano ng pamahalaan na magkaroon ng katuwang ang Pilipinas sa China at sa ibang bansa sa “oil exploration” sa West Philippine Sea (WPS), basta naaayon ito sa batas.
Aniya, nangyari na ito sa kaso ng Malampaya sa Palawan, na nakatuwang ng Pilipinas ang bansa mula sa Europa.
“Kung hindi China, mayroon naman talagang foreign na partner—kung hindi Amerikano, mga Europeans, kasi sila ang may technology at capital. Hindi dapat cross-country rule ang invitation. Open it to all,” giit ni Recto.
Aniya, mahalaga rin na makakuha kaagad ng alternatibong pagkukuhanan ng kuryente, dahil ang Malampaya ay mauubusan na ng deposito sa 2024, at 45% ng supply ng kuryente ng Luzon ay nagmumula rito.