Ni NITZ MIRALLES

NAKAKATUWA ang ilang fans nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, may LQ o lovers quarrel daw ang dalawa dahil dinelete ni Sharon sa Instagram (IG) account niya ang old photos nila Gabby na ang tawag pa nga niya ay throwback photos. 

Sharon copy

Marami-rami ring pictures nila ni Gabby pati posters ng mga ginawa nilang pelikula ang kanyang ipinost, kaya agad napansin nang mawala.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Ang natira na lang na pictures nila ni Gabby ay ang articles tungkol sa TVC nila ng McDonald’s, video ng TVC at old photo nilang dalawa bago lumabas ang McDo TVC. Walang paliwanag si Sharon sa pag-delete sa photos nila ni Gabby at ang ipinalit ay pictures niya noong baby pa siya, pictures with her brother and her dad.

Ang feeling ng fans, baka may hindi na naman napagkasunduan sina Sharon at Gabby na friends na sana mula nang gawin ang McDo TVC at mag-lunch sa Manila House kasama ang mag-asawang Ricco at Tina Ocampo.

Natatakot ang fans na baka dahil sa pangyayaring ito, hindi na naman matuloy ang reunion movie nina Sharon at Gabby.

Nadagdagan pa ang takot ng fans na baka ma-hopia na naman sila sa pag-aabang sa reunion movie ng dalawa nang makita ang litratong kasama ni Gabby sina Annette Gozon at Joey Abacan ng GMA Network.

Ibig daw sabihin noon, sa GMA-7 pa rin ang next teleserye ni Gabby ‘pag nagtapos na ang Ika-6 Na Utos. 

Nagtanung-tanong kami at nalamang hindi pa mag-i-expire ang kontrata ni Gabby sa network, kaya siguradong sa GMA-7 pa rin siya gagawa ng teleserye.

Anyway, anuman ang rason ni Sharon sa pag-delete ng throwback photos nila ni Gabby, may dahilan at hayaan na natin siya roon.  

Samantala, nagpapasalamat si Gabby sa mga sumubaybay sa Ika-6 Na Utos na 14 months umere hanggang sa pagtatapos sa second week ng Marso.

“We at GMA and Ika-6 Na Utos would like to say THANK YOU to all our viewers for supporting us over 1 year and 4 months. We are ending at a high note. SALAMAT PO. It was nice to have been a part of your lives. I hope we were able to entertain you daily 2:30 p.m. onward. Breaking many records with GMA Kapuso! Monday to Saturday. 6 days a week.”

May message rin si Gabby sa mga kasama niya sa Ika-6 Na Utos: “Going to miss you guys. Sana mahaba pa ang pagsasama natin. It was a very blessed and happy 14 months working with you.”