Ni Jimi Escala

MARAMI ang napahanga sa lakas ng loob ni Raymond “RS” Francisco na amining crush niya si Joshua Garcia.

Sa entablado pa ng PMPC Star Awards for TV, nang tanggapin niya ang tropeo bilang best actor para sa pelikulang Boy Instik, ipinagsigawan ni RS ang damdamin niya sa ka-love team ni Julia Barretto.

11Raymond-Francisco-copy-copy copy copy

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Inulit pa ni RS sa ipinatawag niyang appreciation party for the movie press ang labis na paghanga niya kay Joshua.

Kaya ayon sa mga kasamahang manunulat, malamang daw na mapasama na rin si Joshua sa image models ng mga produkto ng FrontRow na pagmamay-ari ni RS. Sa kasalukuyan, sina James Reid, Nadine Lustre, Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang endorsers ng FrontRow.

In-announce na rin ni RS ang plano niyang pagpo-produce ng limang pelikula ngayong taon. Una raw ang pagbibidahan ni Solenn Heusaff sa direksiyon ni Adolf Alix, Jr. at balak nila itong isali sa Cannes International Film Festival.

Lahad pa ni RS, patuloy pa rin siyang aarte sa pelikula, telebisyon at sa entablado.

“Siyempre, I’m still an actor. I’ll be doing another film with Direk Joel Lamangan this year pero mas uunahin ko muna ang entablado. I’m going back to stage acting, and I’m doing it for free,” sabi ni RS.

Kahit busy siya sa kanyang network marketing ay aarte uli siya sa entablado via M. Butterfly. Matatandaan na naghubad siya sa isang nude scene nang unang itanghal ang M. Butterfly ilang taon na ang nakakaraan.

Ngayong isa na siyang matatawag na award-winning actor, magde-demand na ba siya ng mas mataas na talent fee?

“No, hindi, ang dali kong kausap. Basta okey ang role, no problem at hindi pag-uusapan ang talent fee ko. I remember doon sa serye namin nina Daniel, Kathryn at Gretchen (Barretto) nag-stale pa nga ‘yung mga tseke ko na hindi ko nakuha,” natawang sagot ng Star Awards best actor.