Ni Jimi Escala

MAGBABALIK sa ABS-CBN si Ara Mina pagkaraan ng ilang taon at malapit nang mapanood ang kanyang ginagawang bagong seryeng Precious Hearts Romances Presents Araw Gabi.

Ara copy copy

Makakasama ni Ara ang mga bidang sina Barbie Imperial at JM de Guzman at ganoon din sina Raymond at RK Bagatsing, Rita Avila at Vina Morales.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Masayang masaya ngayon si Ara sa buhay niya sakali man daw na hindi siya makapag-asawa o manatiling bigo sa pag-ibig, walang problema sa kanya.

“Masaya na rin ako kahit ‘di ako mag-asawa, basta may anak ako at may kapatid na si Batching,” sey pa ni Ara na ang tinutukoy ay ang kanyang 25 years old na kapatid na may Down Syndrome.

Ni hindi na nga raw niya iniisip kung may darating pa bang bagong pag-ibig sa kanya o wala na.

“Basta happy ka na para napu-fulfill nila ‘yung emptiness mo sa sarili mo. So, sila pa lang, eh, masaya na ako ,” banggit pa ni Ara na may anak sa dating karelasyong si Mayor Patrick Meneses.

Bukod sa acting career, busy rin siya sa mga negosyo niya, kaya kuntento na siya sa takbo ng buhay niya at sa ibinibigay na pagmamahal ng mga kapatid at anak niya.