Ni Jun Fabon
Umabot sa P18.15 na tapyas sa kada 11-kilogram na liquefied petroleum gas (LPG) tank ang sumalubong sa mga consumer kahapon, ang unang araw ng Marso.
Kasabay ito sa ipinatupad na bawas-presyo ng mga kumpanya ng langis sa LPG.
Sa abiso ng Petron, epektibo dakong 12:01 ng madaling araw ay nagtapyas ng P1.65 sa bawat kilo ng LPG, o katumbas ng P18.15 bawas sa presyo ng 11-kilogram na LPG.
Nabatid na nagtapyas din ang Petron ng 90 sentimos sa kada litro ng AutoLPG nito.
Samantala, P1.64 per kilogram naman ang binawas ng Solane sa LPG nito—o katumbas ng P18.04 tapyas sa bawat 11-kilogram na tangke—ganap na 6:00 ng umaga kahapon.