Ni Fer Taboy

Sugatan ang tatlong sundalo matapos silang makipagbakbakan sa mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Davao City, nitong Miyerkules.

Sa report ng Davao City Police Office (DCPO), nakilala ang mga sugatang sina Corporal Vicencio Galagar, Corporal Jurel Gonato, at Private Roberto Cardoza, nakatalaga sa Scout Platoon ng Philippine Army (PA).

Nagsagawa ng operasyon ang militar sa nasabing lugar nang matiyempuhan nila ang aabot sa 15 kaanib ng Guerilla Front 54 ng NPA na nagresulta ng pagsiklab ng engkuwentro.

Probinsya

Lalaking nagnakaw ng manok ng pulis, patay sa engkwentro

Binanggit ng pulisya na ang mga rebelde ay pinangunahan ni “Ka Nasser”, na kumikilos din sa Davao.

Matapos ang bakbakan, kaagad na tumakas ang mga rebelde, na sinasabing patungong Calinan District ng lungsod.

Patuloy pa ang isinasagawang hot pursuit operation ng militar at pulisya laban sa naturang grupo.