Ni Nitz Miralles

SINUNDAN ng magkapatid na Dani at Julia Barretto ang post ni Marjorie Barretto ng photos ng kanilang younger sister.

Si Julia nga, video pa nila ng kapatid ang ipinost at kita sa video ang closeness nila at ang mahigpit na yakap sa kanya ng younger sister.

MARJORIE AT ANAK copy

“Our little princess. Show her all the love she deserves,” caption ni Julia sa video post niya na may 441,676 views and likes na.

Tsika at Intriga

Sinaktan ba ni Sec. Jonvic? Gov. Daniel Fernando, ipinaliwanag kung bakit may bukol sa noo

Sumunod na nag-post si Dani ng picture nila ng kapatid noong nasa Japan sila. Ang caption sa picture, “That smile.

That sweet sweet smile. Ever since you came, you’ve brought nothing but joy to our lives.”

Gaya ni Marjorie, hindi rin sinagot nina Julia at Dani ang mga tanong ng netizens kung ano ang pangalan ng kapatid nila at kung ilang taon na ito. Ang mabuti, hintayin na lang natin kung kailan ipapaalam ng mag-iinang Marjorie, Dani at Julia ang pangalan at edad ng bata. Sa ngayon, let’s be happy for them na finally, makikitang kasa-kasama na nila sa mga pictorial ang bata.