Ni Nitz Miralles

NAGTATANONG ang fans ni Sunshine Dizon kung nagkabalikan na sila ng ex-husband niyang si Timothy Tan. Kasama kasi si Tim sa pictorial nina Sunshine at mga anak na sina Doreen at Antonio para sa 7th birthday ng huli.

SUNSHINE, ANTONIO AT DOREEN copy

Mabuti at may nagpaliwanag na hindi nagkabalikan ang ex-couple, co-parenting lang sila sa kanilang mga anak at makikita naman sa nai-post na behind the scene ng pictorial na walang picture na magkasama sina Sunshine at Timothy.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ang magkasama lang sa pictorial ay sina Sunshine at Doreen, Sunshine at Antonio at Tim at Doreen, at Tim at Antonio.

Sa IG story lang ni Sunshine naka-post ang photos nila at hindi sa regular Instagram (IG) account niya dahil tiyak na may mga magre-react at aakusahan siyang hindi napanindigan ang pakikipaghiwalay kay Tim.

Samantala, sa nalalapit na pagtatapos ng Ika-6 Na Utos, hindi pa rin mahulaan ng viewers kung paano patatawarin ni Emma (Sunshine) si Georgia (Ryza Cenon) sa mga kasamaang ginawa sa kanila ni Rome (Gabby Concepcion). Kung paano nito ninakaw sa kanya ang anak na si Milan at pinalaki ni Georgia na anak niya at binigyan ng bagong pangalan.

Nakakatuwa ang ibang viewers. Nagrereklamong naha-high blood sila sa panonood saIka-6 Na Utos, pero tuloy pa rin naman sa pagsubaybay. Ang malinaw pa lang, buo na uli ang pamilya nina Rome, Emma at Sydney. Ang hinihintay ay kung paano tatapusin ang karakter ni Georgia.