Ni ADOR SALUTA

INSTANT viral sa social media ang Facebook photo ng isang netizen na nagngangalang Patricia Jhoy Egpit Letran na in-upload last Saturday, February 23, dahil kamukhang-kamukha siya ni Kathryn Bernardo. 

Katryn copy

Sa totoo lang, puwede siyang mapagkamalang kakambal ng bida ng La Luna Sangre.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Habang sinusulat namin ito, ang viral photo ng doppelganger ni Kath ay mayroon nang 58,000 reactions at 20,000 shares sa Facebook.

In-announce ni Kathryn na ngayong Friday, March 2 na magwawakas ang fantaserye nila niDaniel Padilla. Aalis o magbabakasyon daw sila ni Daniel sa US (para mag-show rin) ng dalawang linggo. Babalik sila ng Abril para sa bagong Star Cinema movie na ididirihe ni Cathy Garcia-Molina. 

Si Kathryn din ang bagong ambassadress ng Girl Scouts of the Philippines at tumanggap siya ng parangal nitong February 22.

Kasama ni Kathryn sa event at gawad-parangal ang kanyang mommy na si Min Bernardo at ang kanyang pamangkin na si Lexine, at lahat sila ay nakasuot ng iconic green uniform ng GSP.

Nagkaroon din ng storytelling session si Kathryn kasama ang ibang girl scouts.