Ni Nora Calderon
NAGKAKASUNUD-SUNOD ang mga artistang ikinakasal pagpasok pa lamang ng 2018, kaya natanong si Rhian Ramos na open namang may car racer boyfriend kung kailan naman sila?
“No plans yet,” say ng isa sa mga bida ng The One That Got Away (TOTGA). “Hindi pa namin napag-uusapan, kapag lang nag-attend kami ng wedding, iyon, nababanggit, but hindi pa rin seryoso. I want to get married when I’m 35 years old, hindi ako nagmamadali, walang problema kung anong age ako ikasal. Gusto ko pang magkaroon ng sariling business, isang clothing line, kaya tutok muna ako sa aking career para mas makaipon.”
Maraming nagsasabi na bagay siyang kontrabida as Zoe sa TOTGA. Kung titingnan nga raw ay kontrabida siya sa buhay nila nina Lovi Poe, Max Collins at ni Dennis Trillo na pinag-aagawan nilang tatlo sa story. Pero ang motivations naman daw ng character niya ay para sa kabutihan nilang lahat, kaya thankful siya na tini-tweet ng netizens na isa sa winning qualities niya ang pagiging lovable. Lahat naman daw ng mga ginagawa nilang tatlo, kahit adlib, ay may approval ng mga director nila.
“Thankful din ako na mayroon na kaming fans ni Jason Abalos, ZoEl for Zoe and Gael, at tanggap nila na complicated ang character ni Zoe at wala namang arte si Gael.”
Pero natatakot pala si Rhian sa mga eksenang sampalan sa serye, bagamat wala pa namang nagaganap sa takbo ng istorya ngayon. Sino ang ayaw niyang sumampal sa kanya?
“Ayaw kong muling matikman ang sampal ni Ms. Jean Garcia na dalawang beses ko nang natikman, first noong bago pa lang akong nag-aartista, sa Stairway To Heaven at second time sa Ilumina. Ayaw ko ring masampal ako ni Lovi, dahil kahit payat siya ay ang lakas daw ng kamay niya. Pero ayaw ko namang daya lang ang sampal sa akin if ever, hindi ko alam kung paano mag-emote after the sampal.”
Pero ang hindi makalimutan ni Rhian ay nang masabihan siya ng, “Ang tagal mo nang artista, hindi ka pa rin marunong umarte.”
“Hindi ko naman talaga gustong mag-artista, pero isinali nila ako sa audition ng Captain Barbell dahil si Angel Locsin na dapat siyang partner ni Richard Gutierrez, hindi puwede dahil ibinigay sa kanya ang Darna. Four years na ako sa showbiz nang ma-realize ko kung paano talaga umarte. At hindi ako nag-expect na makatanggap ng award, pero nang manalo kami ni Solenn Heussaff para sa cooking show naming Taste Buddies, doon ko naramdaman kung ano ang feeling na ma-recognize ka. Doon ko rin na-realize na ang award is a bonus kapag marunong kang umarte. Twelve years na rin ako sa showbiz.”
Ayaw pang sabihin ni Rhian, pero kasama siya sa isang episode ng trilogy movie na ipu-produce nina former Senator Bong Revilla at mga anak nito, hindi pa raw kasi niya alam ang mga detalye.
Ang TOTGA ay napapanood gabi-gabi, pagkatapos ng Kambal Karibal.