Ni Gilbert Espeña

MAAGANG nakuha ni IBF flyweight champion Donnie Nietes ang timbang sa kanyang dibisyon ngunit nagkaproblema si mandatory challenger Juan Carlo Reveco na nagrehistro ng 112.2 sa official weigh-in kahapon.

Idineklara ng isang opisyal ng California State Athletic Commission (CSAC) na nakuha ni Reveco ang timbang matapos ang paulit-ulit na pag-akyat ng Argentinian sa weighing scale samantalang magaan na nakuha ni Nietes ang limitasyon sa 112 pounds division sa 111.6lbs kaya tuloy ang kanilang sagupaan ngayon sa Superfly Boxing Event sa The Forum, Inglewood, California.

Kapwa naman nakuha nina WBA top ranked contender Artem Dalakian ng Ukraine at Filipino American Brian Viloria ang timbang sa parehong bigat na 111.6 kaya tuloy rin ang kanilang bakbakan para sa bakanteng WBA flyweight title.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Umaasa ang maraming Pilipino sa United States na kapwa magwawagi sina Nietes at Viloria upang madagdagann ang kasalukuyan nating kampeong pandaigdig.