NAKIKISAYA ang GMA Network sa pagdiriwang ng Panagbenga Festival ng Baguio City ngayong weekend sa pangunguna ni Regine Velasquez-Alcasid kasama ang casts ng Sherlock Jr., The Stepdaughters, at Contessa.

Glaiza de Castro and Jak Roberto_Contessa copyGlaiza de Castro and Jak Roberto_Contessa copy

Dinala ng GMA Regional TV ang Kapuso Network sa City of Pines at kahapon ay nagsimula roon ang pangalawang public auditions ng newest singing competition na The Clash. Nitong nakaraang linggo ay dinagsa ng mga nangangarap na maging bagong solo singing superstar ang Cebu-leg public auditions.

Nagsimula ang Baguio-leg auditions sa Sunshine Park ng ika-10 ng umaga para sa mga babae at lalaking Pinoy, amateur man o professional singer na may edad 16 pataas. Ang mga interesadong aplikante (para sa susunod pang auditions) ay kailangang magdala ng orihinal at photo copy ng kanilang birth certificate kasama ang dalawang recent photos (isang 2x2 at isang full body shot). Dapat maghanda ng kahit dalawang kanta (English at Tagalog) na may minus-1 audio.

Karina Bautista, PH navy reservist na

Maaari ring kantahin ang piyesa na may kasamang musical instruments.

Bilang treat sa mga Kapuso sa Baguio, nagkaroon din ng ‘Kapuso Meet and Greet’ with Regine kinahapunan.

Ngayong araw, inaabangan naman ang mga bida ng Sherlock Jr., The Stepdaughters at Contessa sa makulay na Panagbenga Float Parade. Magsisimula ang parada sa ika-7 ng umaga.

Makakasama ng lead actor ng Sherlock Jr. na si Ruru Madrid ang co-star niya sa serye na si Matt Evans. Pakikiligin din ang mga manonood ng real life couple at The Stepdaughters lead stars na sina Megan Young at Mikael Daez. Sasakay naman sa Kapuso float ang stars ng upcoming Afternoon Prime soap na sina Glaiza de Castro at Jak Roberto.

Magkakaroon ng live coverage ang GMA North Luzon sa Panagbenga Float Parade simula ika-7 ng umaga. Ang ‘Kapuso sa Panagbenga: The Balitang Amianan Special Live Coverage’ ay pangungunahan ng hosts ng Balitang Amianan na sina CJ Torida, Joanne Ponsoy, at Faye Centeno kasama ang Balitang Amianan correspondents na sina Alfie Tulugan, Russel Simorio, at Kim Banderlipe.

Tuluy-tuloy lang ang kasiyahan dahil pagpatak ng alas-11 ng umaga, mayroong treat na Kapuso Fiesta ang casts ng Sherlock Jr., The Stepdaughter, at Contessa sa Sunshine Park. Host sa show ang The Stepdaughters at Sirkus star na si Sef Cadayona.

Para sa iba [pang regional events ng network, i-follow lang ang GMA sa Facebook (www.facebook.com/gmanetwork) at GMA Regional TV (www.facebook.com/GMARegionalTV) at sa Twitter at Instagram via @GMARegionalTV.