Ni JIMI ESCALA

NAROROON sa Germany sina Piolo Pascual at Shaina Magdayao para dumalo sa ginaganap na 68th Berlinale Film Festival.

Ang pelikulang Ang Panahon ng Halimaw na pinagbibidahan nila ni Shaina at idinirihe ni Direk Lav Diaz ang panlaban ng Pilipinas.

DIREK LAV SHAINA AT PIOLO copy

'Para pa ba sa akin 'to?' Zephanie, muntik nang umexit sa showbiz

Pangalawang pagdalo na ni Piolo sa Berlinale, na gaganapin ang awarding rites ngayong Sabado, Pebrero 24. Unang dumalo ang aktor sa naturang international filmfest para sa pelikulang Hele Sa Hiwagang Hapis.

Hindi nasayang ang pagpunta ni Papa P noon dahil ang Hele ang nag-uwi ng Silver Bear (Alfred Bauer Prize). Inaabangan ng Pinoy cinephiles ngayon kung mauulit ang naturang achievement.

Musical tungkol noong Marcos regime ang balik-tambalang ito nina Piolo at Shaina Magdayao at kasama ito sa 23 pelikulang kalahok mula sa iba’t ibang ibang bansa.

Sey ni Piolo bago tumulak ang grupo nila, medyo nahirapan sila sa shooting ng Ang Panahon ng Halimaw at pumunta pa sila sa Malaysia upang kunan ang ibang eksena.

“One thing I realized, kung hindi man palarin na mag-uwi ng award, eh, you have to do ‘your homework,” sabi ni Piolo.

‘You see everyone is trying to study their lines because everyone is take one. Lahat, eh, gagawin mo, eh, dahil dapat first take ang lahat.

“Kumbaga, everything you do on the first take, eh, ‘yun na ‘yun. Kaya you must know your role, you have to know your character, you have to know the journey, you have to know the story.”

Malaki na ang pasasalamat at karangalan na para kay Piolo ang pagkakasali ng pelikula nila sa Berlinale.

“For me, just to compete, just to be invited is an honor for us. It’s enough recognition na madala natin ang bandila natin sa Berlin,” pahayag ng aktor.